Regine Velasquez, nagbigay payo sa isang college student na naguguluhan sa kaniyang sexuality

52

Nagbigay ng makabuluhang mensahe ang Filipino singer na si Regine Velasquez sa isang college student na naguguluhan sa kaniyang sexuality.

Kasunod ito ng isang podcast kung saan ibinahagi ng mga host na sina Antoinette Jadaone  at Juan Miguel Severo ang isang architecture student na ikinokonsiderang straight ang kaniyang sarili.


Ang estudyanteng ito ay may long-time girlfriend pero na-confused nang halikan siya ng kaniyang kaibigang lalaki.

Inamin naman nito na mahal na mahal niya ang kaniyang girlfriend, pero hindi niya ma-explain ang kaniyang nararamdaman.

Payo ni Regine, kung mahal mo ang isang tao hindi ka dapat ma-confused dahil maituturing nang cheating ang pagkakaroon ng affection.

Mas mabuti pa aniyang sabihin na lang nito sa kaniyang gf ang kaniyang totoong nararamdaman, para wala nang masayang na oras.




Facebook Comments