Handa na ang Region 1 sa isasagawang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 5-11 bukas, ika-14 ng Pebrero.
Lalahukan ito ng 17 implementing units sa Ilocos Region.
Araw ng biyernes nang dumating naman ang 57, 760 doses ng Pfizer vaccine na inisyal na gagamitin sa roll out ng pagbabakuna sa nasabing age group.
Ayon sa Department of Health-Center for Health Development 1, target na mabakunahan ang 731, 334 na bata sa nasabing edad sa rehiyon at 73, 133 dito ang may karamdaman.
60% sa nasabing bilang ang target mabigyan ng first dose sa loob ng isang buwan at ang natitirang 40% naman sa loob ng dalawang buwan.
Positibo naman si Bobis na mababakunahan ang mga ito sa loob ng tatlong buwan dahil sa mga istratehiya ng mga provincial office at pakikipagtulungan ng mga magulang na ipabakuna ang kanilang mga anak. | ifmnews