RADIO OPERATOR PATAY MATAPOS MALUNOD SA SAN FABIAN BEACH

Dead on arrival sa pagamutan ang isang singkwentay tres anyos na Radio Operator matapos itong malunod sa San Fabian Beach.

Ang biktima ay nakilalang si Roberto Falcon, residente ng Cainta sa lalawigan ng Rizal.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nakita pa ang biktima habang nakikipag inuman sa tabing dagat kasama ang ilang kaibigan.

Matapos ito ay nagpasya ang biktima na maligo sa dagat subalit napunta ito sa malalim na bahagi.

Agad naman itong na rescue ng Philippine Coast Guard at binigyan ng first aid bago dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. | ifmnews

Facebook Comments