REGION 1 MAY NATITIRA PANG 1. 3 NA RESIDENTE NA KAILANGANG BAKUNAHAN KONTRA COVID-19

Nasa 1. 3 milyong residente pa ng Region 1 ang kailangang bakunahan kontra COVID-19 ayon sa Department of Health-Center for Development 1.
Sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 Information Officer, ang nasabing bilang ay ang mga residenteng hindi pa nabigyan kahit na isang dose ng COVID-19 Vaccine.
Nangunguna ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinakamaraming bilang na kailangan pang bakunahan na nasa 837, 484.

Sinusundan ito ng La Union na mayroong 228, 411, sa Ilocos sur- 158, 758, 107,993 sa Ilocos Norte at sa Dagupan City na mayroong 16, 015 na residente ang hindi pa natuturukan ng bakuna.
Dahil dito, inabisuhan ang bawat lokal na pamahalaan na magbahay bahay upang kumbinsihin ang mga residenteng hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 nang magkaroon ng dagdag proteksyon.
Samantala, umabot na sa 6. 5 milyong bakuna ang naiturok sa kalakhang rehiyon uno. | ifmnews
Facebook Comments