Matagumpay ang naging pagtatapos ng Region 1 Regional Schools Press Conference 2023 na nilahukan ng higit dalawang libong mga Campus Journalists at School Paper Advisers na mula sa labing apat na Schools Division Office sa buong Region 1.
Sa lahat ng mga writing competitions o mga kategoryang pagsulat ay itinanghal ang limang mga nanalo sa magkaibang medyum – Ingles at Filipino bagamat isa lang ang isasalang sa National Schools Press Conference o NSPC na gaganapin naman sa Cagayan De Oro at pagtatagisan ng mga kampeon sa bawat Rehiyon sa buong bansa.
Kung dati, ang nakakuha ng 3rd, 2nd at 1st place ang maaaring makipagkompetensya sa Nationals, ngayon ay ang unang wagi na lamang.
Sa naganap ng Media Press Conference noong Day 0 ng nasabing aktibidad, nagkaroon daw ng pagbabago at bunsod nga rito ay sasagutin ng buo ng DepEd ang expenses ng mga 1st placers na isasalang sa NSPC.
Samantala, ipinagpasalamat naman ng Acting Mayor ng lungsod ang lahat ng nakiisa upang mapagtagumpayan ang RSPC 2023.
Ang RSPC ay taunang aktibidad na nakalaan para sa mga mamamahayag o mga journalists sa mga eskwelahan upang mas mahasa ang kanilang kapabilidad tungo sa pagpaparating ng mga walang kinikilingang mga balita at mga pahayag. |ifmnews
Facebook Comments