Region 2, Nasa ‘COVID-19 Alert Level 4’

Cauayan City, Isabela- Nakataas na sa ‘Alert Level 4’ o High Risk Epidemic Classification ng COVID-19 ang buong rehiyon dos.

Batay ito sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH region 2 kahapon, August 8, 2021 na kung saan ang Lalawigan ng Cagayan kabilang ang Tuguegarao City at City of Ilagan ay nasa ilalim din ng Alert level 4.

Ibig sabihin, tumataas ang bilang ng aktibong kaso sa mga naturang lugar sa nakalipas na dalawang linggo.


Ang natitirang lugar naman sa rehiyon tulad ng Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya ay nasa Alert Level 3 o katumbas ng Moderate Risk Epidemic Classification.

Kabilang din sa Alert Level 3 ang Santiago City at Cauayan City.

Habang ang Lalawigan ng Batanes ay nasa Alert Level 1 o Minimal Risk Epidemic Classification naman.

Pinalawig naman ng kagawaran ang koordinasyon nito sa mga Health Care Providers Network at sa BHERTS para ipagpatuloy ang pagmomonitor ng mga kaso.

Facebook Comments