Region 3, kayang magsuplay ng 20 porsiyentong isdang tilapia sa Metro Manila, ayon sa DA

May potential sources na ang Department of Agriculture (DA) para makakuha ng supply ng isdang tilapia para  sa  Metro Manila at iba pang lugar.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar kaya ng Central Luzon sa Region 3 na suplayan ng 20 porsiyento ang kabuuang 15,000-metric ton requirement ng isdang Tilapia ang  Metro Manila mula sa  Pampanga, Bulacan, at Bataan.

Madadagdagan pa aniya ito ng 20 pang porsiyento kapag magamit ang lahat ngfish cages sa Pantabangan.


Ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kaya umano ng Central Luzon na suplayan ng tilapia ang mga pamilihan sa  Metro Manila ng hanggang  10 tonelada kada araw at maibebenta sa hqlagang P100 kada kilo.

Sa ngayon, may 300 tonelada ng fresh chilled tilapia ang mga stakeholders  ang nasa storage na at handa na para sa delivery sa MMla.

Facebook Comments