Region-wide synchronized dengue clean-up drive, ikinasa ng DOH

Nakipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa harap na rin ng pagtaas ng insidente ng sakit na dengue sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakikipag-pulong sila Metro Manila mayors para magbigay babala na maari pang kumalat ang dengue virus sa NCR.

Sa katunayan mamaya magpupunta si Duque sa Quezon City para sa region-wide synchronized dengue clean-up drive at makakasama niya si Mayor Joy Belmonte, DepEd Secretary Briones, DILG Secretary Año, DOST Secretary De La Peña at CHED Commissioner Dela Llagas.


Ginawa ng DOH ang pakikipag-usap sa mga alkalde upang makapaglatag ang mga ito ng hakbang para malabanan ang dengue sa kanilang mga komunidad.

Kabilang na dito ang tinatawag na search and destroy o paghanap sa mga pwedeng pamugaran ng lamok na posibleng may dalang virus.

Sa huling datos ng DOH, 10,349 na ang dengue cases sa Metro Manila.

Pinakamaraming namatay sa Quezon City sa bilang na 24, habang 5 sa Manila City, 4 sa Caloocan, 2 sa Taguig, Valenzuela, Pasig at Marikina habang isa ang naitalang namatay sa Parañaque, Malabon, Pasay at Navotas.

Facebook Comments