Inaprubahan na ng Senado ang ratipikasyon sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Sumang-ayon sa ratipikasyon ng RCEP sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President pro tempore Loren Legarda gayundin sina Senators Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, JV Ejercito, Sonny Angara, Nancy Binay, Ronald dela Rosa, Christopher Bong Go, Alan Peter Cayetano, Sherwin Gatchalian, Lito Lapid, Mark Villar, Cynthia Villar, Robin Padilla, Grace Poe, Francis Tolentino, Ramon Revilla Jr., , Raffy Tulfo at Senate Minority Leader Koko Pimentel.
Tutol naman si Senator Risa Hontiveros habang nag-abstain si Senator Imee Marcos.
Hindi naman nakaboto sina Senators Chiz Escudero at Pia Cayetano.
Ang RCEP ay isang free trade agreement sa pagitan ng 10 bansang kasapi ng ASEAN at mga bansang China, Japan, South Korea, Australia at New Zealand.
Sa ilalim ng RCEP, inaasahang magpapasigla ito ng kalakalan ng Pilipinas, magpapalawak ng mga negosyo at makapagbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino.
Tiniyak naman nina Zubiri at Legarda, mga nagdepensa sa RCEP, na hindi kasama ang mga produkto tulad ng bigas, gulay, karne at asukal sa babawasan at tatanggalan ng taripa.