Nakataas ngayon ang red alert status sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 kasunod ng epekto ng naranasang 7. 3 na lindol sa malaking bahagi ng Luzon.
Sa inilabas na memorandum no. 048 s. 2022, inaabisuhan ang mga local government unit na ilagay din ang kanilang nasasakupan sa red alert status.
Hinihikayat ang mga ito na iactivate ang kanilang emergency operations center, magsagawa ng meeting, damage assessment, isagawa ang pre-emptive evacuation sa mga high risk areas at pagsisiguro sa response activities kasabay ng pagsunod sa COVID-19 health protocols, pagsusupendi ng trabaho sa gobyerno at iba pang mass gatherings.
Inaabisuhan ang publiko na iwasang mag panic at isagawa ang duck, cover and hold sakaling makaranas muli ng malakas na lindol.
Pinaalalahan ang mga Local DRMM na magsumite ng report sa naturang kagawaran. | ifmnews
Facebook Comments