Regional Federalism Roadshow ng DILG, PIA Region II at PGI, Sinimulan na Ngayong Araw!

*Cauayan City, Isabela- *Inilarga na ngayong araw ang Regional Federalism Roadshow ng DILG at PIA Region II kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela upang ipaliwanag ang nilalaman ng ipinapanukalang Federal Constitution ng Pilipinas.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PIA Cagayan Manager Oliver Baccay bilang Spokesperson ng PIA Region II hinggil sa isinasagawang Federalism Roadshow, unang tinipon ang mga local na mamamahayag kasama ang mga Information Officers dito sa Lalawigan ng Isabela para sa pagpapaliwanag ng mga Constitutional Commissioners hinggil sa struktura, konsepto, reporma at magiging epekto ng sistemang Pederalismo sa mga mamamayan.

Kaugnay nito ay nakatakda naman bukas ang isasagawang Federal Town hall meeting para sa lahat ng mga local officials at bukas naman ng hapon ay para na sa lahat ng sektor na gustong makinig na gaganapin sa FLDY Coliseum ng Lungsod ng Cauayan.


Malalaman umano rito ang magiging reaksyon o agam-agam ng publiko hinggil sa isinusulong na Pederalismo bilang magiging bagong sistema ng bansa.

Facebook Comments