Regional leader ng teroristang grupong Al Qaeda, patay sa isinagawang air strike ng US sa Yemen

39

Patay sa isinagawang air strike ng US ang isa sa mga regional leader ng Al Qaeda sa Yemen na si Usama Haidar.

 

Nasawi si Haidar matapos na tamaan ng isang drone ang sinasakyan nitong kotse.

 

Nitong Biyernes, sinabi ni US Department of Defense Spokesperson Jeff Davis na magsasagawa sila ng mahigit 30 air strikes sa Yemen sa loob ng dalawang araw kung saan target ang grupong Al Qaeda.

Facebook Comments