Cauayan City, Isabela – Lubos na inaasahan ng Cauayan City Sports Office na sa lungsod ng Cauayan maipapatayo ang Regional Office ng Philippine Sports Commission upang mas malapit na din umano ito sa mga nasa karatig bayan at mga lalawigan.
Ayon kay City Sports Officer Jonathan Medrano, kung sakali umano na dito sa lungsod ng Cauayan maipapatayo ang naturang tanggapan ay ilalapit na lamang umano ito sa pinapatayong sports complex.
Aniya napakahalaga din umano ang pagpapatayo ng ganitong tanggapan upang matutukan ang mga kabataan sa paglalaro ng iba’t ibang sports.
Ikinatuwa rin ni ginoong Medrano ang pagiging aktibo ng mga kabataang mula sa forest region o malalayong barangay ng lungsod dahil sa kanilang pakikiisa at pakikilahok sa mga sports activities.
Sa ngayon ay puspusan naman umano ang pagsasanay ng mga atleta sa pamamagitan ng pagtutok ng Cauayan City Sports Office para sa darating na CAVRAA 2019.
Kaugnay nito nasa limampu hanggang animnapung porsyento na umano ang natapos na sa ginagawang sports complex ng Cauayan at aniya’y napakahalang matapos ito sa lalong madaling panahon upang magamit pa ng mga batang atleta sa kanilang pagssanay sa mga pinaghahandaang mga palaro.