REGIONAL OFFICERS FROM DANGEROUS DRUGS BOARD, BUMISITA SA MANGALDAN PARA SA PAG-UUSAP UKOL SA ANTI-DRUG ABUSE MONITORING SYSTEM

Ang Dangerous Drugs Board o DDB Region 1 Monitoring team sa pangunguna ni Joan Marie Sison, Chief of Management Information Systems Division ay nagsagawa ng site visit at interview sa lokal na pamahalaan ng Mangaldan.
Ito ay para suriin ang epekto at mangalap ng feedback sa paggamit ng Anti -Drug Abuse Council – Reporting System (ADAC-RS). Tinanggap naman ang delegasyon na ito ni Municipal Administrator Atty. Teodora Cerdan sa ngalan ni Mayor Bona Fe De Vera-Parayno.
Ang ADAC-RS ay isa sa mga subsystem ng Integrated Drug Monitoring and Reporting Information System (IDMRIS) na ginagamit ng DDB para mangolekta at pagsama-samahin ang data mula sa Persons Who Use Drugs o PWUDs gayundin ang mga intervention na ibinigay ng ahensya ayon sa panganib at mga antas ng dependency sa paggamit ng substance ng mga PWUD.

Sa panayam, sinabi ni Atty. Cerdan ang kanyang pagkabahala tungkol sa mga panganib sa privacy ng data sa pagpapatupad ng ADAC-RS.
Sinabi pa ng municipal administrator na kung sakaling ma-leak ang pribadong impormasyon ng mga PWUD ay nagreresulta ito ng malubhang epekto.
Napansin din ito ni DDB Information Technology Consultant Perfecto Muyano, Jr. at nagbigay baman ng katiyakan si Atty. Cerdan na haharapin nila ang isyung ito sa lalong madaling panahon. |ifmnews 
Facebook Comments