LIBRENG WHEELCHAIRS, HANDOG PARA SA MGA SENIORS AT PWDS SA BAYAN NG ASINGAN

Handog ang libreng wheelchair para sa mga Senior Citizens at PWDs ng bayan ng Asingan.
Nagmula naman sa lokal na pamahalaan ng Asingan at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga naipamahaging wheelchairs.
Hangarin naman ng LGU Asingan na maibsan ang kahirapan ng mga pamilya ng mga benepisyaryo na nag-aalaga sa kanila.

Higit din itong makatutulong sa pagkilos ng mga ito sa ibang lugar ng kanilang bahay.
Gayundin ang pagkakaroon na ng tyansang maging malaya sa pamamasyal dahil mayroon na ang paraphernaliang ito.
Samantala, nag-request muli ang alkalde ng bayan ng karagdagang limpampung piraso pang wheelchair upang maibahaging muli ang mga ito sa nangangailangang mga residente. |ifmnewsΒ 
Facebook Comments