Iiral hanggang ngayong araw ang blue alert status sa Regional Offices at iba pang tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Ed Posadas, mananatiling naka-alerto ang kanilang mga tauhan para matiyak ang kaligtasan ngayong Semana Santa.
Nakahanda rin sila sakaling i-extend pa ang nakataas na blue alert.
Simula nitong Huwebes Santo, April 18 ay nakataas na sa blue alert ang lahat ng kanilang Regional Offices.
Sa ilalim ng naturang alerto, 24-oras aniyang naka-duty ang kanilang mga tauhan sa kanilang operations center.
Maliban dito, naka-alerto din ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa mabilis na pagresponde.