Tagumpay ang katatapos lamang na Regional Planning para sa mga Liga ng mga Munisipalidad sa Pilipinas o LMP na idinaos sa Vigan, Ilocos Sur.
Nakiisa sa nasabing programa ang LMP Pangasinan Chapter President at National Spokesperson na si Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil.
Tinalakay dito ang Municipalities Access of Fund sa pamahalaang Pambansa. Layunin umano ito na suportahan ang mekanismo ng pamahalaang nasyonal at matulungan ang mga mayor sa pag-secure ng pondo para mapabuti pa ang paghahatid ng serbisyo ng mga LGU sa mga nasasakupan nito.
Binigyang-diin din ang tungkulin ng mga LGU at LCE sa kampanya ng pamahalaan na zero hunger ng IATF-EID, gayon din ang pagkakaroon ng municipal multi-purpose card o ang SuperApp, regional launch ng LMP Gracia, guidelines ng DBM programs para sa mga LGU, at climate resiliency at farm productivity ng mga bayan bilang suporta sa mga magsasaka at pabahay para sa mga ito.