HIGIT DALAWANG DAANG LIBONG PANGASINENSE NAKATAPOS NA SA STEP 2 REGISTRATION NG NATIONAL ID

61

Nagsimula ng mag-deliver PhilSys Number at PhilID ang ahensya ng Philippine Statistic Authority o PSA sa mga permanent address ng mga nakatapos na sa Step 2 registration ng national ID.

Ayon sa nasabing ahensya aabot na sa humigit dalawang daang libong pangasinense ang nakatapos na sa step 2 registration habang anim na raang libo naman sa step 1 registration.


Target ng PSA Pangasinan hanggang sa buwan ng Disyembre ngayong taon na makapag rehistro ang kalakhang populasyon nito para sa Philippine Identification System.

Samantala, hinihintay pa ng ahensya ang karagdagang registration kits mula sa lalawigan ng Ilocos Sur at La Union.

Facebook Comments