REGIONAL SCHOOLS PRESS CONFERENCE, UMARANGKADA NA SA DAGUPAN CITY

Umarangkada na sa lungsod ng Dagupan ang taunang Regional Schools Press Conference na may temang Media for Inclusion: Promoting Diversity, Equity, and Integrity through Campus Journalism.

Tinatayang nasa 5, 666 mula sa 14 na Schools Division sa rehiyon ang magtatagisan ng galing sa pagsusulat, pagguhit, pagkuha ng litrato, maging ng pagbobroadcast sa TV at Radyo.

Inihayag ni Department of Education Region 1 Director Tolentino Aquino na ang buong pagsuporta nito upang madevelop ang kaisipan ng bawat estudyante lalo na sa pag-usbong ng mga fake information.

Para kay Chelsea ng Candon City, mag-aaral mula Ilocos Sur Division, kumpyansa naman itong maiuuwi ang kampyonato sa kanyang kategorya.

Samantala, kasabay din nito ang pagsasagawa ang Regional Festival of Talents.

Inaasahang magtatagal ang mga kaganapan hanggang sa 15 ng Pebrero. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments