Bagsak presyo ngayon ang mga itinitindang kamatis sa mga pamilihan sa Dagupan City.
Bumagsak sa bente hanggang bente singko pesos kada kilo nito dahil sa bulto ng suplay na ibinagsak sa mga tindera sa lungsod.
Ayon naman sa naging monitoring ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), bunsod umano ito ng sabay-sabay na pag-aani ng produkto.
Dahil dito, maraming mamimili ang ikinatuwa ang pagbaba ng presyo nito matapos pumalo sa 200-240 noong mga nakaraang buwan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments