Regional Summit on Disaster Preparedness, Isinagawa sa Santiago. City!

Matagumpay na nagsagawa ng Regional Summit on Disaster Preparedness na may temang Celebrating region 02’s Resilience ang Department of Interior and Local Government Reg. 02 sa Lungsod ng Santiago kanina sa lungsod ng Santiago.

Ito ay dinaluhan naman ng ibat-ibang mga ahensya at tanggapan gaya ng Bureau of Fire Protection, Phil. National Police, Department of Science and Technology, Local Government Unit, mga Mayor at iba pang representante nh iba’t-ibanh sangay ng pamahalaan sa buong rehiyon.

Dito ay tinalakay naman ang mga kahandaan na dapat pang malaman at ituro pagdating ng mga kalamidad at mga sakuna na sumasalanta sa ating rehiyon.


Batay sa ginawang pagtutok ng RMN Cauayan News Team ay ipinakita din dito ang ibat-ibang Climate Outlook, Weather Orientation, mga tamang hakbang at pamamaraan sa pagreresponde at paghahanap sa mga nawawala tuwing may mga kalamidad na mananalasa.

Dagdag pa rito ay mas lalong pinalalakas pa ang puwersa ng lahat sa pamamagitan ng pagtutulungan at kooperasyon upang mapaghandaan at makaagapay sa mga hindi inaasahang pagdating ng mga sakuna.

Samantala, patuloy naman na ipinananawagan sa bawat isa ang pagiging alerto, pagkakaroon ng tamang paghahanda at tamang pag-aksyon upang matiyak ang kaligtasan pagdating ng kalamidad.

Facebook Comments