Bubuin ang Regional Swine Task Force sakaling makumpirmang African Swine Flu ang tumamang sakit sa mga baboy na namatay sa Bulacan at Rizal ayon sa Department of Agriculture Region 1.
Sa isinagawang Consultative Meeting ukol sa ASF sa Dagupan City, sinabi ni Dr. Alfredo Banaag, Senior Agriculturist ng DA Region 1 na wala pang kumpirmasyon na ASF ang sakit na tumama sa mga baboy at hinihintay pa ang resulta ng laboratory test na manggagaling sa ibang bansa.
Sa consultative meeting kasama ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno at stakeholders mula sa Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union napag-usapan dito ang paghahanda maging ang contingency plan ng rehiyon uno sa ASF.
Paiigtingin umano ang quarantine checkpoint sa mga maaring daanan ng mga biyahero na kargado ng baboy lalong lalo na sa Lalawigan ng Pangasinan na siyang maraming entry point.
Sa ngayon mula sa western at eastern section ng Pangasinan nilagyan na ng Quarantine Checkpoint upang masigurong ligtas sa ASF ang rehiyon.
Samantala, nauna ng nagsagawa ang ahensya ng education information na bahagi ng kampaniya ng DA kontra ASF. ###–
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>
Regional Swine Task Force bubuuin sa Region 1
Facebook Comments