Inihain ni Senator JV Ejercito ang Senate Bill no. 2205 o panukalang mag-aamyenda sa Labor code of the Philippines para buwagin ang Regional Tripartite Wages And Productivity Boards o RTWPBS.
Layunin ng panukala na palitan ang RTWPBS ng National Wages And Productivity Commission o NWPC upang higit na makatugon sa magulong antas ng pasweldo sa ibat ibang rehiyon.
Ang hakbang ni Ejercito ay kasunod ng 2018 world bank report na nagsasabing mabagal ang pagbaba ng antas ng kahirapan sa Pilipinas kahit maganda ang takbo ng ekonomiya.
Bunsod ito ay iginiit ni Ejercito ang pangangailangan na mapag-aralan agad ang wage structure, tunay na lagay ng kahirapan, employment rate at halaga ng pamumuhay sa bawat rehiyon.
Sabi ni Ejecito, ang magiging resulta ng nabanggit na pag-aaral ang pagbabatayan ng nararapat na halaga ng pasweldo sa mamamayan ng bawat rehiyon.