Registered voters para sa 2022 elections, nasa higit 65 million – COMELEC

Umabot na sa 65,745,529 ang mga rehistradong botante sa bansa para sa 2022 elections.

Batay sa Commission on Elections (COMELEC), mas mataas ito ng tatlong milyon kumpara sa bilang ng botante noong 2019.

Sa naturang bilang, 32.2 milyon ang mga botante edad 31 hanggang 59; 20.4 milyon ang edad 18 hanggang 30 at 9.1 milyon ang edad 60 pataas.


Pinakamarami ang mga botante sa Calabarzon na umabot sa 9,193,096; sinundan ng Metro Manila na may 7,322,361 at ng Central Luzon na may 7,289,791 na botante.

Patuloy namang hinihintay ng COMELEC ang opisyal na bilang ng mga botante sa labas ng bansa.

Facebook Comments