Manila, Philippines – Iminungkahi ni AANGAT TAYO PL Rep. Harlin Neil Abayon na magkaroon ng ‘registry of journalists’ upang masala ang mga lehitimong journalists sa mga nagpapakalat ng pekeng balita.
Sa ilalim ng panukalang inihain na nagpapalawig sa ‘Sotto Law’, hindi kasama dito ang pagpaparehistro sa mga journalists.
Paliwanag ni Abayon, ito aniya ay bilang pagrespeto na rin sa independence ng media o press kaya ipinauubaya nito sa National Press Club (NPC), National Union Journalists of the Philippines (NUJP) at sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang pagpaparehistro sa kani-kanilang mga miyembro.
Ang rehistrasyon ay hindi lamang limitado sa mga mamamahayag sa Metro Manila kundi sakop din ang Metro Cebu at Metro Davao.
Makakatulong din aniya ang listahan ng mga lehitimong journalists sa mga mamamahayag na dapat makinabang sa mas pinalawak na Sotto Law kung saan hindi na lamang mga dyaryo o print reporters ang sakop ng proteksyon na ito kundi kasama na rin maging ang broadcast, online at multimedia.
DZXL558