Registration para sa Overseas Absentee Voting, magsisimula ngayong araw

Umarangkada na simula ngayong araw ang Registration para sa Overseas Absentee Voting para sa May 2022 Elections.

Hinimok ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon ang mga Filipino Abroad na hindi pa nakarehistro na gamitin ang karapatang bumoto.

Sinabi ni Guanzon, na malaki ang nai-aambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa, pero mahalaga ring makibahagi sila sa Democratic Process ng bansa.


Ang applications para maging Registered Overseas Voters ay pwedeng ihain sa anumang Designated Registration Centers mula December 16, 2019 hanggang September 30, 2021.

Ang paghahain naman ng application to transfer mula post patungong Philippine Municipality o City ay mula December 16, 2019 hanggang August 31, 2021.

Tatanggap din ang COMELEC ng Petitions of Inclusions o Exclusion, Correction of Entry, Transfer of Registration Records, at Reactivation.

Sa datos ng poll body, higit 1.8 Million Filipinos ang Nagparehistro nitong May 2019 Midterm Elections habang ang na-deactivate ang higit sa kalahating Milyon ng Overseas Voters matapos mabigong bumoto sa 2016 at 2019 Elections.

Facebook Comments