KAUNA-UNAHANG KASO NG DELTA VARIANT SA BAYAN NG MAPANDAN, NAITALA

MAPANDAN, PANGASINAN – Naitala ng bayan ng Mapandan ang kauna-unahang Delta Variant Positive na sa katauhan ng isang frontliner.

Ang pasyente naman ay kasalukuyang namamalagi sa ospital at patuloy na binabantayan ang kalagayan nito.

Ayon sa lokal na pamahalaan, unang nagpositibo ito sa COVID 19 at matapos ang isang buwan ay lumabas sa genome sequencing na ang virus na tumama sa kanya ay Delta Variant.


Samantala, ang lahat umano ng kanyang close contacts ay naka isolate na habang naghihintay ng resulta ng ginawang swab testing sa mga ito.

Pinayuhan naman ng pamahalaang lokal ang publiko ang pagsunod ng mga ito sa health protocols gaya ng pagsuot ng face mask, face shield at dumistansya sa ibang tao.

Facebook Comments