Registration para SY 2020-2021 mas pinaaga pa ng DepEd

Pag-sapit pa lamang ng unang araw ng Pebrero ay sisimulan na ng Department of Education (DepEd) ang mas pinaaga pa ngayong early registration para sa school year 2020-2021.

Ito ayon sa DepEd ay para matiyak na lahat ng mga bata na papasok sa Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 sa Public at Private elementary at Secondary Schools ay makapagpatala na sa mga bubuksang registration desks nationwide mula February 1 hanggang March 6.

Sa pamamagitan ng inilabas na DepEd Order No. 3, s. 2018 o ang “Basic Education Enrolment Policy,” sinabi ni Deped Secretary Leonor Briones na ang maagang registration upang madaling matukoy at matandaan at makapag rehistro ang mga, out-of-school children at mga kabataan sa Komunidad na naninirahan sa mga liblib na lugar kasama na ang mga nagsilikas dahil sa kalamidad.


Ang maagang registration policy ng DepEd ay malaking tulong sa mga magnanais o gustong bumalik sa pag-aaral at huminto ng mahabang taon dahil sa maraming kadahilanan kabilang na ang kakulangan sa pera o kahirapan.

Umaasa ang DepEd na mas maraming kabataan ang ngayon ay makapag pa enrol para sa School Year 2020-2021 kumpara noong nakalipas na taon.

Facebook Comments