Registration sa ‘Bayanihan E-Konsulta’ ng OVP, itinigil muna dahil sa pagdagsa ng aplikasyon

Itinigil muna ang registration sa tele-consultation platform ng Office of the Vice President (OVP) dahil sa biglang dagsa ang mga aplikasyon.

Layunin ng makapaghatid ng medical assistance para sa outpatient cases, partikular ang may limitadong kakayahang pang pinansyal at access sa mga doktor.

Sa ilalim ng Bayanihan E-Konsulta, magkakaloob ang OVP ng free service sa pamamagitan ng Facebook page at Messenger.


Sa isang post sa FB page ni Vice President Leni Robredo, lumilitaw na umabot agad sa 2,300 ang nakapila matapos na maraming volunteer doctors at health professionals ang kumasa sa panawagan ng bise presidente.

Ang mga ito ang mangunguna sa tele-consultation ng mga client na dumaan na sa screening process ng mga volunteers sa call center.

Seserbisyuhan ng platform ang mga outpatient case sa loob ng NCR Plus bubble, katulad ng Metro Manila at ibang lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Maliban sa tele-consult services, maglalabas din ang OVP sa FB page nito ng mga impormasyon patungkol sa COVID-19 testing, quarantine at iba pang medical concerns.

Facebook Comments