Registration sa Philippine Identification System, sinimulan na sa Maynila

Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang proseso sa pagkuha sa Philippine Identification System (PhilSys).

Nabatid na ngayong araw sinimulan ang registration para sa pagkuha ng national ID kung saan sinimulan ito para sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Ayon kay Mayor Isko, malaking tulong ang pagkakaroon ng national ID dahil malaking tulong at mapapabilis nito ang anumang programa na inilalatag ng pamahalaan para sa publiko.


Tulad na lamang ng pamamahagi ng ayuda at iba pa partikular kapag may pandemya o kalamidad.

Hinihikayat ng alkalde ang bawat residente sa lungsod na magprehistro na rin sa national ID dahil aniya, malaking bagay na bawat Pilipino ay rehistrado sa Philippine Statistic Authority (PSA).

Paraan din daw ito para makapagplano ang gobyerno ng husto para sa iba pang serbisyo na kailangan ng publiko.

Ngayong araw ay target na marehistro ng PSA ang nasa 854 na empleyado ng lokal na pamahalaan ng Maynila na kinabibilangan ng Office of the Mayor, Office of the Vice Mayor at ng Department of Engineering and Public Works.

Facebook Comments