Muling magpapatupad ng reshuffle sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang sinabi ni PNP Chief Lt General Archie Francisco Gamboa matapos na italaga bilang bagong hepe ng Pambansang pulisya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, apektado ng reshuffle ang mga PNP Regional Directors, National Unit Support Directors at Directorial Staff.
Sinabi ni Gamboa ngayong araw (January 20) ang huling araw para isapinal ang performance evaluation ng mga key officials.
Bukas naman ay pag-aaralan ni Gamboa ang resulta ng evaluation para matukoy kung mananatili sa kanilang pwesto ang mga opisyal na itinalaga sa kanilang posisyon tatlong buwan na ang nakakalipas nang umupo bilang PNP Officer in Charge.
Paliwanag ni Gamboa alam ng mga opisyal na ito na mayroong performance evaluation.
Samantala, si abi rin ni Gamboa na sa ngayon pinagaaralan na ng Senior Officers Placement and Promotion Board kung sino ang iuupo bilang pang apat sa pinakamataas na opisyal ng PNP ang The Chief for the Directorial Staff o TCDS.
Sinabi ni Gamboa, otomatikong uupo bilang The Directorial Chief for Administration si PLt Gen Camilo Cascolan, habang si P Lt. General Guillermo Eleazar ay uupo bilang The Directorial Chief for Operations.