Cauayan City, Isabela- Sa kabila ng halos magkakasunod na naranasang problema ng publiko dahil sa pandemya at kalamidad, sinigurong mabibigyan ang lahat ng empleyado ng pamahalaan sa lalawigan ng Quirino habang papalapit ang kapaskuhan.
Ito ang binigyang diin ni Governor Dakila Carlo Cua sa kanyang naging pahayag sa programang‘Governor Hour’ kasama ang ilang miyembro ng media.
Ayon kay Cua, makatatanggap ng dagdag na P8,000 ang mga regular employees habang sa contractual/casual ay tatanggap naman ng dagdag na P5,000 bilang bahagi ng relief assistance maliban sa naunang naibigay ng provincial government sa ilalim ng Performance Enhancement Incentive (PEI).
Giit ni Cua, paraan din ito ng provincial government na sa simpleng paraan ay maramdaman ng mga empleyado ang diwa pa rin ng pasko para sa kanilang pamilya.
Samantala, pinasalamatan naman ng opisyal ang mga rescue team na tumulong sa lalawigan ng Cagayan noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses.