Nakatanggap ng tig ₱10,000 cash incentive ang mga regular at contract of service employees ng lokal na pamahalaan ng Navotas.
Ito ay kasunod na rin ng pagkakaapruba ni Navotas City Mayor Toby Tiangco sa ordinansa kung saan bibigyan ng sampung libong piso ng insentibo ang mga empleyado ng lungsod bilang pagkilala sa kanilang serbisyo.
Aabot sa 534 na regular at 1,832 contractual employees na nagtatrabaho sa city government ng tatlong buwan ang nakatanggap ng benepisyo.
Ayon kay Tiangco, nais ng lokal na pamahalaan ng Navotas na kilalanin ang pagsusumikap at sakripisyo ng mga empleyado ng lungsod at hikayatin din ang mga ito na ipagpatuloy ang maayos na pagseserbisyo sa mga Navoteños.
Naging instrumento aniya ang mga kawani ng lungsod para labanan ang COVID-19 at dahil sa kanilang commitment sa pagsisilbi ay naging epektibo ang pagtugon at pagresponde ng local government sa pandemya.