Papasinayaan ng Philippine Airlines (PAL) ang kauna-unahang regular flight sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, magsisimula sa June 9, 2022 ang bagong serbisyo ng PAL sa Cotabato–Tawi-Tawi–Cotabato o vice versa dalawang beses kada linggo tuwing Lunes at Huwebes.
Paliwanag ni Villaluna, ang flight PR 2487 mula Cotabato ay aalis ng alas-7:30 ng umaga papuntang Tawi-Tawi tuwing Lunes.
Ang flight PR 2488 mula Tawi-Tawi na aalis naman ng alas-9:40 ng umaga papuntang Cotabato tuwing Lunes at Huwebes.
Ang PAL Airbus A320 Aircraft na maaring magbigay at pagpipilian ang Premium Economy at Economy sets sa naturang ruta.
Ang bagong serbisyo ay nag-uugnay sa mga lugar ng mainland ng BARMM sa rehiyon ng isla nito, kasama ang Awang Airport ng Cotabato at ang Sanga-Sanga airport ng Tawi-Tawi bilang travel gateway.
Ikinatuwa naman ng Bangsamoro Mindanao Development Authority at Local Government Units, sa matagal ng hinihintay na serbisyo ng PAL sa pagitan ng Cotabato at Tawi-Tawi bilang suporta sa pag-unlad ng ekonomiya at turismo ng BARMM.