Manila, Philippines – Base sa pinakahuling datos ng Department of Labor and Employment, nasa kabuuang 182,915 ang mga manggagawa nationwide ang na-regular sa kanilang mga trabaho, sa unang 6 na buwan ng 2018.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mas marami pa silang inaasahan na mare- regular sa kanilang mga trabaho dahil sa pinagigting na kampaniya ng DOLE kontra ilegal na porma ng kontrakwalisasyon.
Ayon sa kalihim, maraming mga establishimento na ang nag sa submit ng kanila ng mga plano para sa regularisasyon ng mga epleyado nito, dahil malaki aniya ang naging impact ng paglalabas ng DOLE ng listahan ng mga non-compliant na mga kumpaniya.
Bukod dito, nagpapatuloy aniya ang pagiinspeksyon ng DOLE sa mga establishimento upang matiyak na nasusunod ang mga labor standards at labor laws.