Xian Gaza, makukulong ng hanggang limang taon

Hinatulan ng Malabon Metropolitan Trial Court si Xian Gaza ng “guilty beyond reasonable doubt” kaugnay ng kasong paglabag sa Batas Pambansa 22 o Anti-Bouncing Checks Law
Makukulong si Xian ng hanggang limang taon at anim na buwan. Siya rin ay kailangang magbayad ng PHP 2,180,000 bukod pa sa “legal interests and costs”
Nagpost din sa kanyang facebook account si Xian ng kopya ng desisyon na pinirmahan ni Judge Maya Camposanto.

Sa isa niya ring profile picture ay may caption siya na “Karma is real. What you do now will come back to you in the future. Life has a funny way of making you deal with what you make others go through. Babalik at babalik din sayo lahat kaya magbago ka na habang hindi pa huli ang lahat kagaya ko.”

Facebook Comments