Regular na law enforcement operations ng PNP, hindi apektado ng NCOV ARD

Walang epekto ang novel coronavirus (nCoV) sa law enforcement operations ng Philippine National Police (PNP).

Binigyang diin ito ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa harap ng pangamba na posibleng ma-expose sa virus ang mga pulis sa kanilang pagtugis sa mga dayuhang kriminal partikular mga Chinese nationals.

Ayon Kay Gamboa, tuloy-tuloy parin ang anti-gambling, anti-illegal drugs, anti-prostitution campaign, at internal cleansing campaign ng PNP.


Sinabi ni Gamboa na kailangan lang ikunsidera ang proteksyon ng mga pulis laban sa nCoV.

Pwede naman aniyang mag-facemask ang mga pulis kung sasabak sila sa mga operasyon at maghugas ng alkohol pagkatapos.

Nauna rito, nilimitahan ng PNP-AKG ang access ng mga dayuhang bisita sa mga nakakulong na Chinese kidnapping suspects at nagpatupad ng “no facemask, no entry” sa kanilang tanggapan.

Dagdag pa ni Gamboa na diskresyon na aniya ng mga unit commanders kung irerequire nila ang kanilang mga tauhan na mag-face mask.

Facebook Comments