Regularisasyon ng mga healthcare workers, isusulong ni VP Leni

Isusulong ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo ang regularisasyon ng mga healthcare workers at exemption nila sa Personnel Salary Cap.

Ayon kay Robredo, marami kasi sa mga healthcare workers sa bansa ay job order gayong essential ang kanilang ginagawa.

Aniya, mas mahihikayat din ang mga medical workers na manatili sa Pilipinas kaysa maghanap ng trabaho abroad kung saan mas mataas ang sweldo, kung hindi na sila saklaw ng Personnel Salary Cap.


Dapat din na matanggap ng mga frontliners nang buo at ‘on time’ ang kanilang mga benepisyo sa ilalim ng Magna Carta for Health Workers.

Tiniyak din ni Robredo ang pagsusulong ng karagdagang benepisyo para sa mga healthcare workers sa pamamagitan ng isang “executive action” tulad ng free regular COVID-19 testing, bayad na COVID sick leave at transportation at meal allowances.

Facebook Comments