Manila, Philippines – Ikinadismaya ng Malacañang ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na ipawalang-bisa ang kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing regular ang mga kontraktwal na manggagawa ng Philippine Long Distance Company (PLDT).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, umaasa silang mababaligtad pa ang desisyon ng CA kapag iniakyat ang kaso sa Korte Suprema.
Aniya, ang desisyon na inilabas ng DOLE ay desisyon mula sa ehekutibo.
Base sa desisyon ng CA 10th division, pinabigyan nito ang petisyon ng PLDT ibasura ang utos ng DOLE na nag-aatas sa telco na i-regularize ang higit 7,000 manggagawa nito.
Iginiit ng CA na walang nilabag na anumang batas ang PLDT.
Facebook Comments