REGULARIZATION | Mga empleyado ng PLDT umaasang tutugunan ni P-Duterte ang kanilang mga panawagan

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ng mga empleyado ng Philippine Long Distance Telephone Company na aaksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na magsagawa ng kilos protesta kahapon sa harapan ng Mendiola Bridge sa Manila ang mga natanggal na empleyado.

Ayon kay Pete Pinlac, ang secretary general ng Manggagawa ng Komunikasyon sa Pilipinas ibang-iba ang Administrasyon ni Pangulong Duterte dahil sa bawat kaharapin nilang problema ay agad sinusulosyunan nito.

Paliwanag ni Pinlac, naglabas na ng panibagong kautusan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat ay sumunod sa batas ang PLDT at ito nga aniya ay ang pag-regular sa trabaho ng libu-libong kontrakwal employees.


Pero problema ng kanilang grupo ay pilit lumulusot ang PLDT at iginigiit na kailangan muling dumaan sa hiring process ang mga nasabing empleyado na hindi naman katanggap-tanggap sa mga ito.

Dagdag pa ni Pinlac hindi na dapat pang sumailalim sa hiring process ang mga tinanggal na empleyado dahil hindi ito ang utos ng DOLE.

Giit nito ang dalawang Government ID lamang ang kailangan para ma-validate kung kabilang sa kautusan ng DOLE ang nasabing empleyado.

Naniniwala si Pinlac at nanawagan sa Pangulong Rodrigo Duterte na sa bibig nito dapat manggaling na iregular na ang mga kontraktuwal na empleyado ng PLDT nang sa gayon ay hindi makapagpalusot ang naturang kumpaniya.

Facebook Comments