Regulasyon para labanan ang hazing, rerepasuhin ng CHED

Manila, Philippines – Rerepasuhin ng Commission On Higher Education o CHED ang Memorandum Order na inilabas nito noong 1995 para higit na matugunan ang mga kaso ng hazing at karahasan sa mga estudyante.

Sa budget hearing sa Senado ay sinabi ni Ched Chairperson Patricia Licuanan na makikipag-uganayan sila sa legal education board para gawing higit na proactive ang regulasyon at maiwasan na ang hazing sa mga fraternities.

Kasabay nito ay nagpahayag din si Licuanan ng matinding pagkondena sa pagkamatay sa hazing ng 22 anyos na freshman law student na si Horacio Tomas Castillo III.


Ayon kay Licuanan, hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng report sa CHED ang University of Sto Tomas (UST) hinggil sa nasabing insidente.

Samantala, nangako naman ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda na dadagdagan ng sampung milyong piso ang panukalang pondo para sa State Colleges and Universites sa susunod na taon.

Ang nasabing salapi ay para sa pagtatayo ng dagdag na classrooms, laboratories at iba pang pasilidad.

Facebook Comments