Regulasyon sa E-bike sa Valenzuela City, mahigpit na ipapatupad sa Pebrero

 

Simula sa susunod na buwan o Pebrero, ay mahigpit na ipapatupad ang Ordinance No. 582, Series of 2019, o ang “E-Bike Ordinance of Valenzuela City”.

 

Base sa ordinansa, ang lahat ng mga E-Bike na pagmamay-ari o ginagamit ng mga residente ng Lungsod Valenzuela ay dapat iparehistro sa Valenzuela City Transportation Office.

 

Ang bawat #EBike ay dapat may license plate.


 

Ang lahat din ng nagmamaneho ng E-Bike ay dapat ding kumuha ng E-Bike Driver’s Permit o mayroong LTO-issued Driver’s License.

 

Lahat ng E-Bike ay maaaring dumaan sa mga kalsada ng Valenzuela, maliban sa mga Low-end skeletal-type body e-bikeS na hindi na pahihintulutang dumaan sa Macarthur Highway.

 

Ang mga lalabag sa ordinansa ay may kaukulang multa na mula 200 pesos hanggang 1,000 at pag-impound o pagsamsam sa kanilang e-bike.

 

Ayon kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, layunin ng ordinansa na maging ligtas ang mga kalsada sa anumang aksidente at mapanatili ang kaasyusan at disiplina ng mga Valenzuelano.

Facebook Comments