Makati, magbibigay ng tulong sa mga alagang hayop na naiwan sa Taal

Magbibigay na ng tulong ang lokal na Pamahalaan ng Makati para sa mga naiwang alagang hayop na na-trap sa danger zone sa Taal.

 

Magpapadala ang Makati City Government ng impounding vehicle at mga tauhan mula sa Veterinary Services Department (VSD) ng lungsod.

 

Mayroong walong kulungan ang impounding vehicle na magkakasya naman ang 24 na medium-sized na mga aso.


 

Maghahatid din ang lungsod ng mga dog at cat food, gamot at antiseptic solutions sa Batangas Provincial Veterinary Office.

 

Iginiit dito na mahalagang mailigtas din ang mga alagang hayop dahil bahagi din ang mga ito ng pamilya.

Facebook Comments