Regulasyon sa investment scheme, pinasesertipikahang urgent kay Pangulong Duterte

210

 

Pinasesertipikahang urgent ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin kay Pangulong Duterte ang panukalang batas na may kaugnayan sa pag-regulate sa mga investment scheme.

 

Ito ay para maiwasan na ang mga naloloko sa investment scams kung saan target karamihan ang mga OFWs at mga mahihirap.


 

Ayon kay Garbin, kung masesertipikahang urgent, pagpasok ng 18th Congress ay agad na nilang matatrabaho ang mga nasabing panukala.

 

Hinikayat rin ni Garbin si Finance Sec. Carlos Dominguez at ang Securities and Exchange Commission na irekumenda kay Pangulong Duterte ang pagpapasertipika bilang urgent sa mga nasabing panukala.

 

Hinihiniling ng mambabatas na maregulate sa mga investment scheme at mapatawan ng mabigat na parusa ang mga sangkot sa scam.

 

Nabatid na sa 17th Congress ay may nakabinbing panukala hinggil rito kapwa sa mababa at mataas na kapulungan ng kongreso pero hindi naaksyunan.

 

Ngayong taon lamang nasa 16 advisories na ang inilabas ng Securities and Exchange Commission laban sa ilang investment scams kabilang ang Kapa Community Ministry.

Facebook Comments

From Advertisers