PANOORIN: Video ng flight attendant na humagis sa kisame dahil sa anumalya

690
Image via ABC News

Isang flight attendant ang nahagis sa kisame kasama ng drink cart nang magkaroon ng konting aberya ang eroplano sa biyahe nito galing ng Pristina, Kosovo, papuntang Basel, Switzerland nitong Linggo.

Sa video na nakuhanan ng isang pasahero, makikitang natapon ang mainit na tubig sa iba pang sakay ng eroplano dahil nagkaroon ng aberya habang nasa flight.


Ayon sa spokesperson ng EuroAirport, 10 na pasahero ang naitalang nagkaroon ng minor injuries.

Kinokolekta ng flight attendant ang baso ng mga pasahero nang maganap ang anumalya.

Dagdag nila, agad namang dinala sa hospital ang 10 na pasahero. Sinabi ring nasa mabuti na ang kalagayan ng flight attendant.

Nangyari ang anumlya 20 na minuto bago mag-landing ang eroplano.

Facebook Comments

From Advertisers