𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗗𝗜𝗦𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬

Tinalakay sa naganap na pagpupulong ng lokal na pamahalaan ng Manaoag kasama ang mga market vendors malapit sa minor basilica ang tungkol sa mga regulasyon at mga paalala para sa ikaaayos at ikagaganda pa ng kanilang pagnenegosyo.
Hindi lang naman sa mga market vendors makatutulong ang pagsasagawa ng mga regulasyon na ito kung hindi pa tin a rin makatutulong sa pagpapakilala sa kanilang turismo at pagpapalago pa ng mga turistang bumibisita sa kanilang simbahan at iba pa nilang pook pasyalan.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Mayor Jeremy Rosario, sinabi nitong dapat alamang na tutukan din ang mga vendors sa kanilang bayan na siyang nakatutulong din sa pagpapalago ng kanilang ekonomiya at para mas maipakita na maayos at hindi basta kung saan-saan lang nagbebenta ang kanilang mga vendors.

Nagbigay pahapyaw na rin ang alkalde sa mga dapat na paghandaan sa pagdating ng buwan ng Disyembre kung saan inaasahan ang pagdoble ng numero na mga bumibisita sa minor basilica maging ang mahigpit na paalala rin nila sa mga matitigas ang ulong street vendors na magpipilit na magbenta sa gitna mismo ng mga daanan.
Patuloy naman ang kanilang paalala sa mga ito sa mga penalty na maaari nilang matanggap sa oras na hindi sumunod ang mga ito sa mga panuntunan na ipatutupad ng LGU sa darating na holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments