Mahigpit na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Bolinao ang regulasyon sa paggawa, pagbebenta, pamamahagi, at paggamit ng mga paputok at pyrotechnic devices sa ilalim ng Executive Order No. 80, Series of 2025.
Layunin ng hakbang na ito na maiwasan ang aksidente, pinsala, at sunog sa bayan.
Pinapaalalahanan ng LGU ang publiko na maging maingat at laging unahin ang kaligtasan sa paggamit ng mga paputok.
Hinihikayat din ang lahat na basahin at unawain ang mga probisyon ng kautusan.
Mahigpit na ipinatutupad ang regulasyon upang masiguro ang maayos at masayang pagdiriwang ngayong holiday season.
Facebook Comments





