Pinag-aaralan na ng Department of Energy (DOE) ang posibleng rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).
Ito ay kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order No. 164 o pagpapatibay sa nuclear energy program ng bansa.
Ayon kay DOE Asec. Gerardo Erguiza, batay sa pag-aaral ng South Korea at Russia ay pwede pang maisaayos BNPP ngunit pag-aaralan pa ng DOE kung dapat pa ba itong ayusin o magtatayo na lamang bagong power plant.
Tinatayang nasa 655 mega watts lang kasi ang kapasidad ng naturang power plant kung saan mahigpit kalahati na lamang kung magtatayo ng bagong nuclear power plant na nasa 1,200 mega watts.
Bukod dito ay tinitignan na rin ang 15 lugar sa bansa na posibleng pagtayuan ng nuclear power plant.
Sa ngayon ay inaasikaso na ng DOE ang regulatory framework nito at sa oras na matapos ay maaari nang simulan ang pagtatayo nito sa 2027 hanggang 2030.