Baguio, Philippines – Wala nang makapipigil sa rehabilitasyon ng isa sa pinaka dayuhing tourist spot sa lungsod ng Baguio, ang Burnham Park, kahit nakararanas ngayon ang siyudad ng epekto ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic.
Ayon kay Baguio City Mayor & Public Servant, Benjamin Magalong, ang pondong ilalaan sa rehabilitasyon ng parke ay isinasaayos na ng lokal na gobyerno, Department of Tourism (DOT) at Asian Development Bank, at ang pondo ay base sa recovery and resiliency plan ng lungsod na naipresenta sa Tourism Promotions Board.
Dagdag din ng alkalde na nakasuporta sa gagawing rehabilitasyon ang national na ahensya ng turismo ng gobyerno at inaasahang nasa P6 million to P7 million ang matatanggap ng lungsod mula sa Tourism Promotions Board para sa mga marketing and tourism promotions ng siyudad at kasabay din ng lungsod sa pagbubukas para sa pagpasok new normal ang dalawang tinututukang mga lugar sa bansa, ang Boracay at Siargao.