REHABILITASYON NG FARM-TO-MARKET ROAD SA SANTOL, LA UNION, KASADO NA

Aabot sa 729 kabahayan sa Santol, La Union ang makikinabang sa rehabilitasyon ng Ramot-Puquil Farm-to-Market Road matapos aprobahan ng Department of Agriculture ang proyekto.

Iginawad ng tanggapan ang No Objection Letter sa mungkahing rehabilitasyon bilang pangunahing daan ng mga magsasaka sa lugar.

Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P298 million na inaasahang magpapabilis at nagpapagaan ng pag-aangkat ng kalakal ng mga magsasaka sa mga pamilihan.

Kapag natapos na ang proyekto, inaasahan pa ang mas mataas na kita at mas mataas na produksyon ng mga pananim para sa ikakaangat ng kabuhayan sa agrikultura maging ang mga residente na nakatira sa kahabaan ng proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments